manilahighschool.com Forum Index Memories ...
Classmate, Classmate Paano ka Ginawa??? | Register To Post |
| Threaded | Newest First | Previous Topic | Next Topic | Bottom |
| Poster | Thread |
|---|---|
| zesty | Posted on: 2008/8/7 7:44 |
Quite a regular ![]() ![]() Joined: 2007/2/16 From: Midwest of Nowhere! Posts: 53 |
Classmate, Classmate Paano ka Ginawa??? Napaka odd ng subject ko sa thread na ito, "Classmate, Classmate Paano ka Ginawa?" of course absolutely mapapaisip kayo na *kung sino man makakabasa nito* tutukuyin ko ""nanaman sa thread ko ang mga estudyante na maraming kaalaman pagdating sa kakulitan *isa na siguro ako don?*, siguro nga dahil marami akong nai-share na ewan kung naging karanasan din ng ibang estudyante ang maging makulit na katulad ko, inaamin ko naman yun at hindi ako nahihiya dahil wala naman akong nakabangga o nakainitan sa Manila High (isipin nyo na gusto nyong isipin kung walang-hiya man ako), pero marami din ang naasar at halos isumpa na siguro pati anino ko
. Nauso kasi yung mga linya sa mga movies nung high school ako ang mga kataga ng mga artista katulad ng *You're nothing but a second great, trying hard, COPYCAT!*, yan ang linyang nagpasikat ng todong-todo sa awayan nila Sharon Cuneta at Cherry Gil sa movie na "Bituin walang ningning". Ginagaya ng mga classmates ko at pati pag action at projections ng mga artista hanggang sa mauwi sa tuksuhan pati mga boys makikigaya na rin meron na rin silang hinihiram na linya sa mga movies pati commercials sa tv ginagaya na rin at kahit mga lines sa music para mapansin sila lalo na kung meh crush sila sa girls katulad ng commercial na "Even Flow" yung nipple ng bottle ng baby meh linya don na *Uy mare ang lusog ng baby mo, tapos aktong lalabas ng bata yung bottle nya magugulat yung girl bigla sasabihin "AY NIPPLE" sagot ng isa "SYEMPRE EVENFLOW YAN", mapapaisip sino man magsalita non lalo na kung boys kung ano tinutukoy nya, mga boys kasi pagdating sa kaberdehan walang makakatalo sa pagiisip karamihan pa-simple lang. Meron ako naging classmate nung 2nd year ako na matured na ewan kung bakit matured pero kung makapag biro nakakapikon, kaya siguro naging matured kasi 2 taon sya sa 2nd year o repeater na tinatawag, dati kinantahan ba naman ako ng "Always" na ewan sinong artist non, nagbabasa ako bigla nag- project sa harapan ko with matching taas pa ng right hand nya at kinanta yung linyang "Come with me my sweet, lets go make a family" napikon ako non at kahit sino siguro mapipikon dahil sa edad ko anong malay ko sa pagbuo ng pamilya??? . Napuna ko rin noon na hindi lang pala estudyante ang mahilig mang-gaya ng mga lines sa tv, movies, music at pati sa politics, pati rin pala mga teachers nanggagaya din lalo na kung asar o hates nila estudyante nila. Kapag hindi nakagawa ng homeworks ang estudyante napapasigaw sa inis mga teachers sa sobrang tensyon at sasabihin *puno na ang salop, pinuno nyo ng lahat*, linya ni fernando poe yun, marami pa silang katagang binibitiwan sa klase lalo na sa mga tagilid pumasa katulad ng, *Magdusa ka* isa na ako sa napagsabihan ng teacher o tinawag na *Angelita* :roll: :roll: ang bait ko kasi palagi pa ako naka smile kahit nabubulyawan na at kakamot na lang sa ulo .Naisip ko lang malaki rin ang naging impluwensya ng showbiz at politics sa eskwala, obviously kahit hindi ko isipin eh totoo naman. Nung dekada otsenta, kahit hanggang ngayon, maraming nagsasabi na mas makulay at mas makasaysayan ang dekada otsenta pagdating sa entertainment. Sa pambatang show, nangunguna na ang "BATIBOT" . First year high school ako sumikat sina Pong Pagong at Kiko Matsing at talagang tumatak sa utak ng maraming bata ang theme song ng show na sa unang linya ay ganito*Pag mulat ng mata, langit nakatawa sa Batibot! sa Batibot!* at pag pasok ko sa school maiiba na ang lyrics lalo na sa mga katulad kong first year high school mabentang mabenta ang kantang batibot pero iniiba nila ang linya merong kakanta ng *Ang muta sa mata ay pangit sa mukha, meh sore eyes sya! meh sore eyes sya!*. O kaya kapag dark skin ka then mapasama ka sa mga crowd na mga light skin o mapuputi kakantahan ka ng *Alin, alin, alin ang na-iba??*, napaka prejudiced sa totoo lang ng mga pinoy pagdating sa KULAY NG BALAT kasi kapag maputi ka sinasabi nila maganda ka, meztisa ka meh lahi kang banyaga at popular ka kaya nakatatak na rin sa isipan ng mga kabataan na ganon nga ang talagang magandang nilikha. Naging prejudiced din naman ako pagdating sa kulay ng tao aaminin ko pero naiisip ko rin naman na mali at hindi magandang pag uugali ang mag husga ng itsura at nagagawa ko rin naman yun dati dahil na rin sa mga nanunukso sa akin, nung nagkaron ako ng unang crush 2nd year ako meron nagbansag sa akin na *BLACK MOLLY* and i really hev no idea where the hell did they get that damn a.k.a for me! kaya pikon na pikon ako sa mga boys lalo na at nakarating sa crush ko yung tawag na yun sa akin kaya pati sya naki tawag na rin ng ganon sa akin masakit man pero nawalan ako ng paghanga sa crush ko :cry: :cry: :cry: kaya nag hanap ako ng ibang crush para ma inspire ulit ako . Pag dating sa mga Juniors at Seniors students iba naman ang trip nila, mga pa kikay effect. Usong-uso noong mid 80's ang show ni kuya germs na *That's Entertainment* mga grupo ng mga talented na kabataan na nagpamulat ng banyagang sayaw at musika na katulad nila Micheal Jackson, Madona, Debbie Gibson,Tiffany, Paula Abdul ang dami puro mga foreign artist na ginagaya ng mga pilipinong artista at nagpapasikat sa kanila na kahit saang sulok ng pilipinas ka pumunta eh makikita at maririnig ang mga kantang ginagaya ng mga pinoy. Syempre pag nagaya na nila at naikanta ang kantang banyaga katulad ng mga kanta ni Micheal Jackson, mainit sa masa halos lahat ng kanta ni MJ pati yung gumayang pinoy sisikat kasi sikat yung ginaya nya at kapag sumikat ang artistang pinoy pag dating sa school lahat ng gamit ng estudyante nakadikit mga pictures nila, tulad ng cover ng mga notebooks at libro maraming nabibili sa recto ng mga pictures ng mga artista, nasubukan ko magpunta sa carriedo noon para bumili ng gamit sa national bookstore pero nakita ko mga nakalatag na mga 4x6 photos ng mga artista sa ground binili ko picture ni manilyn reynes kasi paborito sya ng kaibigan ko si Jeneva Paningbatan anjan lang sya Jeneva Smart na sya ngayon kasi married na sya ginusto ko na rin si manilyn reynes kasi sa totoo lang talagang magaling sya kahit minsan nanggagaya din sya ng mga foreign artist. Piso pa ang halaga ng isang picture noon at budget na budget lang ang pambili ko ng gamit sa school kaya yung pang tricycle ko pauwi sa bahay yun ang pinangbili ko at naglakad na lang ako, eh ano naman masama don excercise pa yun buti na lang hindi pa bahain sa lugar namin, ngayon balita ko namamangka na mga tao pag meh bagyo. Howell I hafto shot off my computer now sana ma-boring ulit ako dito sa bahay at maituloy ko etong thread ko, hindi ko pa nga naituloy yung isa nabura na sa utak ko yung kaputol ng "Skul Bukol" kailangan ko ulit mag isip ng deretso, tinatamad naman kasi ako magsulat kaya dini-deretso ko na sa typing kwento ko. |
| Threaded | Newest First | Previous Topic | Next Topic | Top |
| Register To Post | |



.
. Pag dating sa mga Juniors at Seniors students iba naman ang trip nila, mga pa kikay effect. Usong-uso noong mid 80's ang show ni kuya germs na *That's Entertainment* mga grupo ng mga talented na kabataan na nagpamulat ng banyagang sayaw at musika na katulad nila Micheal Jackson, Madona, Debbie Gibson,Tiffany, Paula Abdul ang dami puro mga foreign artist na ginagaya ng mga pilipinong artista at nagpapasikat sa kanila na kahit saang sulok ng pilipinas ka pumunta eh makikita at maririnig ang mga kantang ginagaya ng mga pinoy. Syempre pag nagaya na nila at naikanta ang kantang banyaga katulad ng mga kanta ni Micheal Jackson, mainit sa masa halos lahat ng kanta ni MJ pati yung gumayang pinoy sisikat kasi sikat yung ginaya nya at kapag sumikat ang artistang pinoy pag dating sa school lahat ng gamit ng estudyante nakadikit mga pictures nila, tulad ng cover ng mga notebooks at libro maraming nabibili sa recto ng mga pictures ng mga artista, nasubukan ko magpunta sa carriedo noon para bumili ng gamit sa national bookstore pero nakita ko mga nakalatag na mga 4x6 photos ng mga artista sa ground binili ko picture ni manilyn reynes kasi paborito sya ng kaibigan ko si Jeneva Paningbatan anjan lang sya Jeneva Smart na sya ngayon kasi married na sya